UMI  Ikaw ba ay interesado sa komunikasyong panginternasyonal sa Europa, Hilaga at Timog Amerika, Australya, o di kaya’y kalakhang bahagi ng Africa? Ninanais mo bang mag-aral ng lingwahe, ngunit iniisip na ito’y mahirap? Interesado ka ba sa iba’t-ibang lingwahe sa kabuuan? Ikonsidera/matutunan ang Interlingua, ang makabagong instrumento para sa komunikasyong internasyonal!

Interlingua ay:

Europa Pan-European.
Ang Interlingua ay gumagamit ng mga salita mula sa mga sumusonod na lingawahe: Italyano, Espanyol/Portugis, French, Ingles, German, at Ruso.
Scientia Pang-Agham.
Ang Interlingua ay resulta ng ekstensibong pagtutulungan ng mga Europeano at Amerikanong linguista. Kanilang masusing kinuha ang bokabularyong internasyonal na karaniwan sa mga pangunahing lingwahe ng Europa.
Natura Natural.
Walang aspeto ng Interlingua na artipsiyal o imbento. Lahat ng katangian ay base sa hindi uunti sa tatlong pinagmulang lingwahe ng Europa. Interlingua: kasimplehan ng walang gawa-gawaan.
Conversation Praktikal.
Milyon ang nakakaintindi ng Interlingua sa “unang tingin”. Madaling matutunan ang Interlingua at halos walang kahirap-hirap lalo na sa mga Tagapagsalita ng Romantikong lingwahe. Ito ay ideyal sa mga naglalakbay!
Facile Madali.
Ang gramatika ng Interlingua ay sobrang magkakahalintulad, at ang pagbigkas ay mahigpit na sumusunod sa mga simpleng alituntunin. Sa Interlingua, walang katapusan ang listahan ng mga katangi-tangi at naiiba…ang pag-aaral ng Interlingua ay nakakatuwa!
Libros Edukasyonal.
Sa Interlingua, halos kusa mong natututunan ang maraming “banyaga” o “alam” na mga salita sa nakagisnan mong wika. Ang Interlingua ay ideyal na basehan sa higit na pagaaral ng mga lingwahe.
Bandieras Neutral.
Ang Interlingua ay hindi pagmamay-ari ng iisang kultura o tao. Walang katutubong tagapagsalita ang may hindi pantay na kapakinbangan. Salitain ang Interlingua ngayon at lagyan ng tuldok ang lingwistikang diskriminasyon.
Ponte antique "Makabagong Latin".
Karamihan sa mga internasyonal na salita ay nagmula sa Latin o Griyego. Sa Interlingua, ang mga internasyonal na salitang ito ay nilalagay sa tipikal at istandard na anyo. Ang resulta ay “makabagong Latin”, panginternasyonal at pinasimple, elegante at praktikal.
Musica Fun.
Sa Interlingua ay makakatagpo ka ng lumalaking komunidad na puno ng mga intelihente at original na mga tao. Ang aming pagpupulong ay hindi makakalimutang karanasan. Halina at makisaya sa amin! Ikaw ay aming sinasalubong!

Version breve

Ang INTERLINGUA ay isang lingwaheng panginternasyonal na resulta ng ekstensibong pagtutulungan ng mga Europeano at Amerikanong linguista. Ang mga salita ng Interlingua ay base sa mga salita mula sa Latin, Griyego, at iba pang mga lingwahe, at umiiral sa Italyano, French, Espanyol/Portugis, Ingles, German, at Ruso. Ang gramatika ng Interlingua ay simple at madali. Ang pagbigkas ay regular at Europeanong kontinental.


InterlinguaINFORMATION
Contacto: Representation e organisationes national de interlingua
Film: Hallo, hallo – nos presenta interlingua!
Dictionarios e cursos de interlingua
Materiales pro studiar interlingua